Post by snyper on Mar 14, 2012 6:28:32 GMT 8
THIS IS A REPOST: All credit goes to its original author.
Original link can be found here:
www.facebook.com/note.php?note_id=267077280017008
All Tamiya Technical Racers Comprehensive Guide
A comprehensive guide for both newbies, veterans and pros.
By nihilism
Magandang araw sa iyo, Tamiya enthusiast!!
Ang comprehensive guide namely “All Tamiya Technical Racers Comprehensive Guide” of 2011 ay isang guide na magtuturo sa kahit sinong Tamiya enthusiast, mapa baguhan man, beterano o propesyonal na manlalaro, ng madaming kaalaman, tips at tricks. Ang lahat ng kaalaman na napapaloob sa guide na ito ay nagmula sa mismong mga experience ng mga beteranong manlalaro ng Tamiya at ng mismong otor ng guide na ito, kaya walang dudang isa itong comprehensibo at credible na guide. Ang guide ding ito ay binuo at ginawa ng mga pinagsama-samang impormasyon ng mga manlalaro ng Tamiya para sa mga maglalaro at manlalaro ng Tamiya, na sumusunod sa itinakdang rules at regulation ng Tamiya Manila All Tamiya Technical Race Format.
Mainam po na basahin sunod sunod ang guide na ito, lalo na kung ikaw ay baguhan pa lamang, dahil napapaloob sa early parts ng guide na ito ang kailangan pundasyon para mas maunawaan ang paglalaro ng Tamiya. Ang mga topics ng guide na ito ay pahirap ng pahirap, kaya mainam na may impormasyon ang magbabasa bago magjump sa ibang sections.
C. Tamiya Terminologies
Nakalagay sa baba ang ilang madalas na ginagamit na Tamiya terminologies. Malaking tulong ito lalo na sa mga baguhan sa larangan ng Tamiya upang mas madali nilang maintindihan ang konsepto ng paglalaro ng ating hobby.
1. Korpo – o korporasyon (corporation). Ang salitang ito ay madalas mabangit tuwing nasa quarter finals na ang karera. Ito ay nagaganap sa pagitan ng dalawa o higit pang karerista at pinaguusapan ang bakas or share sa naturang karera. Ito ay para masigurado na magkakaroon ka ng pera, manalo o matalo man ang karerista sa naturang karera. Depende sa mga karerista kung magkano ang hatian o bakas ng bawat isa. Hindi ito kumpolsaryo or compulsory, kaya pwedeng tumanggi ang isang karerista, subalit, nagiging habit o tradisyon na din ito para hindi uuwing walang pera ang mga kareristang nakaabot sa quarter finals o mas mataas pa.
2. Oto – o auto (car). Ang salitang ito ay isang pinaiksing salita para sa Tamiya car.
3. Faka – Ang salitang ito ay karaniwang ginagamit para idescribe ang isang sobrang bilis na oto.
4. Shogal – Ang salitang ito ay karaniwang ginagamit para idescribe ang isang sobrang bagal na oto.
5. Hubad – o tangal (remove). Ang salitang ito ay karaniwang ginagamit kapag ang isang karerista ay nagpakawala na ng o-ring sa kanyang rollers. Ito ay kadalasang ginagawa kapag kailangan na ng isang karerista na magpabilis ng kanyang oto sa likuan ng hindi isinasakripisyo ang preno.
6. Tortured – Ang salitang ito ay madalas ginagamit upang maidescribe ang kundisyon ng makina ng Tamiya. Ang tortured na makina ay kadalasang mas mabilis kung ikukumpara sa mga makina na “out of the box”. Kapalit ng bilis na ito ang pagpapaikli ng buhay ng isang motor, dahil sa paglalagay ng sobrang stress at umaapaw na boltahe at amperahe na lagpas sa rekomendadong gamit mula sa manufacturer.
7. Tukod preno – Ang salitang ito ay kadalasang ginagamit upang maidescribe ang kasalukuyang set-up ng preno ng isang oto. Ang tukod preno ay ang pagbababa ng preno hanggang nakaangat na ng bahagya ang likurang gulong. Ito ay kadalasang ginagawa kapag sobra sa bilis ang isang oto.
8. Ratratan – Ang salitang ito ay ginagamit upang maidescribe ang strategy ng isang karerista o ang kundisyon ng tracks. Ang ratratan na tracks o karera ay isang race style kung saan ang mga oto ay pwedeng isagad ang bilis subalit mababa ang chansa na ito ay tumalon. Ang otong pang ratratan ay kadalasang ubod ng bilis at nakakatapos ng karera ng iniiwan ang kalaban.
9. Simangot – Ang salitang ito ay kadalsang ginagamit sa pagdedescribe ng unahang bahagi o bumper ng oto. Ito ay ang masyadong pagbababa ng screwholes sa harapan ng oto, upang mabigyan ng mas matinding downthrust ang isang oto. Kadalasang pinapainitan ang nasabing bahagi ng isang lighter or heat gun. Ayon po sa Tamiya rules, ito po ay ipinagbabawal at otomatikong madidiskwalipika ang otong nakasimangot.
10. Bengkong – Ang salitang ito ay kadalasang ginagamit upang maidescribe ang kundisyon ng chassis at ng shaft ng wheel set. Nasasabing bengkong ang isang chassis kapag hindi ito pantay o lapat na lapat sa inyong calibration pad o cal pad. Nasasabing bengkong ang shaft ng inyong wheel set kung taas baba ang inyong preno kapag kinakalibrate ang inyong oto sa inyong calibration pad o calpad.
11. Putok – Ang salitang ito ay kadalasang ginagamit upang maidescribe ang kundisyon ng wheel set nyo, espesipikali ng mags ng inyong gulong. Masasabing putok ang inyong gulong kapag may basag o crack ang inyong mags, na nagreresulta sa paglipad ng naturang gulong kapag ikinakarera. Nasusulusyonan ito ng wire reinforcement, na inyong malalaman in depth sa aking guide.
12. Pakawala – Ang salitang ito ay kadalasang ginagamit upang maidescribe ang istratehiya ng isang karerista. Ito ay mas kilala sa ilan pang terminilohiya, tulad ng “do or die”, “bahala na yang oto” at “bahala na si batman”. Ito ay ang istratehiya kung saan ang karerista ay iniaasa na lang ang kanyang pagkapanalo sa swerte, tiwala sa sasakyan o sa kamalasan ng kanyang kalaban (tulad ng pagtalon ng oto ng kalaban mula sa tracks).
13. Ampaw – Ang salitang ito ay kadalasang ginagamit upang maidescribe ang kundisyon ng batterya. Ang ampaw na batterya ay ang batteryang nasobrahan ng kargada o charge. Kadalasang napakalakas ng buga o enerhiya ng naturing batterya na kailangan nitong magbawas ng kargada sa pamamagitan ng isang discharger. Kadalsan din na nasisira ang mga madalas na ampaw na batterya dahil bugbog ang batterya sa sobrang kargada.
14. Low bat – Ang salitang ito ay kadalasang ginagamit din upang maidescribe ang kundisyon ng batterya. Ang low bat na batterya ay kadalasang ubos na ang kargada o charge upang maitakbo at mapaandar ang inyong oto sa tamang bilis.
15. X step charging (kung saan ang x ay isang numero na nagsisimula ng 1 at hindi lalagpas ng 3) – o cycle. Ang salitang ito ay kadalasang ginagamit upang maidescribe ang paraan ng pagkakarga o pagchacharge ng batterya. Ang isang step ay nangangahulugan na ang batterya ay diniskargahan muna ng todo, pinapahinga ng ilang minute at muling kinargahan o chinarge ulit. Ito ay kadalasang ginagamit sa mga Nickel Metal Hydride o NiMH na batterya upang matangalan ito ng memorya o memory. Kadalasang ginagawa ito every 4 races.
16. Memorya – Ang salitang ito ay ang patungkol sa kundisyon ng batterya. Ang salitang ito ay mas kilala sa “Battery Memory”, “Memory Effect” at “Voltage Depression”. Ito ay ang kundisyon na kung saan ang isang tipikal na batterya ay nakakapagkarga o nakakapagcharge na lamang ng mas mababang charge. Nawawalan ng maximum energy capacity ang isang batteryang paulit ulit na kinakargahan o chinacharge subalit partially lamang nadidiskargahan o nadidischarge. Nagreresulta ito sa pagiging mahina ng batterya at kadalasang pagkasira nito. Mahina din ang buga o power output mga batteryang may memorya. Ang Nickel Cadmium o NiCd na batterya ay madalas tamaan ng memorya habang ang Nickel Metal Hydride o NiMH na batterya ay mas less tamaan ng memorya. Ang NiCd ay kailangan na diskargahan pagkatapos ng isang karera bago kargahan ulit, at ang NiMH naman ay kailangan diskargahan pagkatapos ng apat na karera bago kargahan ulit. Maganda din na mag x step charging ng NiMH at NiCD para masiguradong hindi ito magmememorya pagkalipas ng 4 na karera.
17. Conventional Charger – Ito ang pangkaraniwang charger na ginagamit ng mga karerista na abot kaya. Naghahalaga ito ng Php 400.00 hangang Php 1000.00 depende sa klase. Pinakamagandang conventional charger ay ang Newstar Black at Gray Charger dahil subok na ang kalidad nito. Maaring makabili nito sa Raon malapit sa SM Manila sa halagang Php 450.00 hanggang Php 700.00 depende kung saan tindahan ka bibili.
18. Smart Charger – Ito ay ang mga high class at high end na chargers na pwedeng magcharge ng 6 hanggang walong pares ng batterya depende sa settings. Nagkakahalaga ito ng Php 3500.00 pataas, depende sa klase at tatak. Mabilis itong magcharge, kadalasan ay isang oras lamang para sa 6 na pares ng batterya. Madami din itong settings at functionalities na siguradong makakatulong ng malaki sa pagpapalabas ng tunay na potensyal ng batterya. Ilan sa mga respetado at kilalang smart chargers ay ang Duratrax Ice Charger, GT Power Smart Charger, MuchMore Smart Charger, Team CheckPoint Charger at marami pang iba.
19. Discharger – Ito ay ang mga ginagamit na pangdiskarga ng batterya. Maraming klase ito, depende sa size, tatak at discharge rate. Ang pinakamura at isa sa pinagkakatiwalaang discharger na abot kaya (sa halagang Php 75.00, pero ang presyong ito ay pwedeng magbago ng walang notipikasyon) ay ang discharger na ginagawa ni Sir Denis aka Denis the Trimmer ng Team Galas. Meron din naman mamahalin na discharger na galing sa DuraTrax at MuchMore.
D. Knowing your Tools
Para sa isang karerista, dapat kumpleto ka sa inyong mga tools bago sumabak sa kahit anong karera. Nakalista sa ibaba ang mga tools na karaniwang bitbit ng isang karerista.
1. Notebook at Ballpen
Importante sa isang racer ang magbitbit ng notebook at ballpen para marecord nya ang mga mahahalagang impormasyon tungkol sa oto nya, tulad ng bilis ng bawat oto, charge ng bawat batterya, entry count, dahilan kung bakit natalo at kung ano ano pa.
2. Calibration Pad
Mahalaga din na dala mo ang iyong calibration pad o calpad. Ito kasi ang ginagamit para magcalibrate ng preno at malaman kung bengkong ang chassis o wheel shaft mo.
3. Timer
Mahalaga din na may bitbit kang timer para maorasan mo ang oto mo at ang oto ng kalaban. Dito mo malalaman kung kailangan mo pa magpabilis ng oto mo o hindi. Marami ang nagamit ng sports stopwatch at meron din naman na nagamit ng stopwatch ng cellphone.
4. Battery Tester
Ginagamit ang multitester, o battery tester para malaman ang battery rating ng iyong batterya. Dito nalalaman kung ampaw ang batterya sa charge, kung tama lang ang charge o low on power ka na.
5. Screwdriver
Para ito sa mga taong kailangan magtangal o maghigpit ng mgs screw nila sa mismong karera.
6. Speed Checker
Ito ay ginagamit para malaman ang kasalukuyang bilis at performance ng iyong mga oto. Dito makikita at madededuce kung ang oto mo ay mabagal, mabilis o tama lang ang bilis para sa tracks.
7. Lighter
Importante din na may bitbit kang lighter para sa mga on the spot downthrusting ng wings. Magiging kaibigan mo ito lalo na kapag ayaw pumasok ng oto mo at kailangan mo pa magdownthrust. Kung ikaw din ay nagyoyosi habang nakarera eh hindi mo ito makakalimutan.
8. Pentel Pen
Problemado ka ba dahil natatangal ang iyong gulong dahil maluwag na? Makakatulong sa iyo ang pentel pen. Malagkit ang tinta ng pentel pen kaya kapag natatangalan ka ng gulong sa karera ay pahiran mo ng tinta ang wheel shaft mo, at meron ka ng mabilisang remedyo sa iyong problema.
9. Cutter
Para sa mga magpuputol ng bagong preno, heto ang kailangan mo. Kapag sinalpak kasi ang preno sa brakeset ay may sobrang brakes ito na hindi kailangan. Putulin ito gamit ng cutter para pulido. Kailangan din ang cutter kung nais mong magtabas ng cowls sa karera.
10. Double Sided Tape
Para ito sa mga nalalaglagan ng preno, o para sa mga nagloloko bigla ang kanilang brakeset screw adjuster. Lagyan ng konting double sided tape ang preno pagkatapos ay isalpak pabalik sa brakeset. Kakapit ito at hindi na gagalaw. Gamit din ito bilang pampadikit ng brakeset sa inyong chassis, para hindi ito masyadong gumalaw.
11. Super Glue
Kailangan ito para sa mga nabasagan ng chassis sa isang karera at kailangan ayusin ng mabilisan. Kailangan din ito kung kailangan mong magkabit ng mga naputol na bahagi ng iyong oto o magayos ng maluwag o loose thread na screwhole. Madaming klase ng super glue, subalit madalas gamitin ang Mighty Bond dahil ito ay subok na ang tibay at performance nito.
12. Caliper
Mapa regular man na caliper o digital caliper, kailangan ito para makakuha ka ng ideya kung undersized na ang gulong mo. Kapag undersized kasi ang gulong mo eh illegal na iyon at madidisqualified ka sa oras na malaman ito ng mga marshals.
13. Charger at Discharger
Kung kailangan mong magcharge o magdischarge habang nagrarace, kailangan mo bitbitin ang iyong charger at discharger. Magpaalam lang po sa racer organizers kung pwede makigamit ng kanilang power outlet kung ikaw any magchacharge.
14. O-Rings
Kailangan ito at isa itong necessity sa ating hobby. May iba’t ibang kulay ito sa nagsisignipika ng kapit nito. Malaking tulong ito para kumapit ang ating mga oto sa tracks lalo na sa mga critical na parte nito. Ang mga kulay nito, na nakaarrange from pinakamakapit to less na makapit, ay yellow, red, green, blue at black. Rare na ang stocks nito kaya bumili na habang meron ka pang nakikitang nagtitinda nito.
Ilan lamang ito sa mga kailangan mong tools para sa iyong hobby. May ilan sigurong tools na hindi nabanggit dito, dahil depende na ito sa pangangailangan ng isang karerista. Pero kung ang paguusapan ay ang pinakakailangan mo ay hindi naman kulang ang listahan sa itaas.
E. Choosing your Car
Sa mga oras na ito ay nagiisip ka na kung anong kit ang iyong bibilhin. Heto ang ilang impormasyon sa papili ng iyong una o next na oto.
1. Chassis
Nakakategorize ang mga chassis na ginagamit for technical race format bilang front motor chassis at rear motor chassis. Ang kaisa-isang front motor chassis ay ang Super FM Chassis habang ang rear motor chassis ay ang mga sumusunod: TZ, TZ-X, Super 1, Super 2, VS, X and XX Chassis. Ang pinakagamit na chassis para sa technical race dito sa Pilipinas ay ang FM, TZ at TZ-X chassis, subalit meron din naming gumagamit ng ibang chassis. Nasa ibaba ang detailed information ng bawat chassis.
Super FM Chassis
Ang Super FM Chassis ang successor ng FM Chassis. Ang Super FM Chassis ay ang kaisa-isang chassis na front motor na ginagamit sa technical race format dito sa Pilipinas. Ang majority ng bigat ng chassis na ito ay nasa bandang unahang parte ng chassis kung saan located ang makina nito, which makes it as an excellent choice kung gusto mo na nakatungo agad ang unahan ng chassis mo after nitong dumaan sa jump section ng tracks. Malaki din ang chance na hindi magloko ang naturang chassis, lalo na kung ang paguusapan ay ang biglang pag off ng mismong oto after nito tumalon due to the on-off switch design nito. Ang power concentration din nito ay located sa upper left ng chassis (sa may side ng pinion gear ng makina), which makes it perform better compared to the other chassis if ang paguusapan na tracks ay madalas merong jump then turn left. Madaming nagamit nito dahil sa unique characteristics nito at subok na din ang performance ng naturang chassis.
Major disadvantage lang nito ay madalas na may tatabasin ka sa Super FM Chassis dahil halos lahat ng ganitong chassis ay bengkong. Sirain din ang upper right part nito (the opposite side ng pinion gear ng makina) dahil manipis ang plastic dito and nasisira ito dahil sa stress na idinudulot ng jump. Manipis din ang wing nito, kaya prone na masiraan ka ng wing.
TZ Chassis
Ang TZ Chassis naman ang isa sa pinakasubok ng rear motor chassis. Maganda ang pagkakadesign ng chassis na ito and perfect kung ikaw ay maguumpisa pa lang sa iyong Tamiya hobby. Maganda din ang wing nito at mas matibay compared sa wing ng Super FM Chassis.
Disadvantage naman nito ay nasa likod ang bigat nito, so may tendency na tumalon ito ng mataas after dumaan ng jump at dumiretso sa labas ng tracks. Wala din itong brake set support, na makikita sa TZ-X, VS, Super 2, X at XX Chassis.
TZ-X Chassis
Ang TZ-X Chassis naman ay ang improved version ng TZ Chassis. Compared to TZ Chassis, mas maganda ang TZ-X Chassis dahil may supporta sa brakeset ang TZ-X Chassis habang ang TZ Chassis wala. Mahal lang din ang mga kits na may TZ-X Chassis at rare ang mga ito. Pinakacommon na ang Vanishing Gazer Kit dahil ito lang ang Tamiya kit na may TZ-X Chassis na may supply dito sa Pilipinas.
Ang disadvantage lang din nito ay katulad pa din ng sa TZ Chassis maliban na may brake set support ang TZ-X Chassis.
Super 1 Chassis
Ang Super 1 Chassis ay isang chassis na hindi masyado ginagamit due to the fact and reason na malambot ang wing nito. Hindi rin stable ang wing nito dahil natatangal ang wing nito. Pinakamatibay na wing nito ay tinatawag na Zero wing at kulay gray ito.
Maganda kung tutuusin ang Super 1, pero dahil sa wings nito, coupled with thin chassis ay hindi ito masyadong ginagamit.
Super 2 Chassis
Ang Super 2 Chassis ay ang isa sa pinakabangong chassis na ginawa ng Tamiya. Malaki ang pinagkaiba nito sa predecessor nito na Super 1 Chassis. Mas matibay ito in many ways such as mas makapal na plastic used for the chassis, stronger and thicker bumper part at more resistant ito sa impact. Meron din itong brake set support, na nagbibigay suporta sa brake set habang ang oto mo at dumadaan sa mga slopes, banks at hill climb.
Major disadvantage lang din nito ay ang wing issue nito. Walang kasamang wing ang Super 2 Chassis, kaya mapipilitan ka na bumili ng wings nito. Kapag hindi din maganda ang pagkakareinforce mo sa wings nito ay may tendency ito na gumalaw excessively habang ang oto mo at tumatakbo.
VS Chassis
Ang VS Chassis naman ay isa sa mga uncommon chassis na ginagamit sa technical race subalit hindi ibig sabihin nito ay wala itong potensyal para sa hobby natin. May mangilan-ngilan na karerista ang gumagamit nito kabilang na si Sir Kikoexe. Meron din itong brake set support dahil sa plastic part nito sa bandang hulihan na sumusuporta sa brake sets.
Magkaparehas lang ang disadvantage ng vs chassis sa mga naunang rear motor chassis. Mapapansin lang na mas manipis ng kaunti ang wing nito kung ikukumpara sa TZ at TZ-X Chassis.
X Chassis
Ang X Chassis naman ang isa ring chassis na hindi masyadong ginagamit sa technical race format dahil ang X Chassis ay designed for speed race format. Malapad ito which makes it very stable sa straight sections ng tracks, subalit medyo mabagal ito compared sa ibang chassis pagdating sa likuan. Medyo manipis din ang wing nito, similar to Super FM Chassis, kaya prone din ito sa sira. Kung convenience naman ang pag-uusapan, madaling magpalit ng makina sa X Chassis, dahil hindi mo na kailangan na tangalin pa ang cowl para makuha ang makina. Sa ilalim ng chassis kinuha ang makina nito, pero pag masyadong nagpapalit ng makina ay nabubugbog ang hatch nito, making it prone sa biglang magtirik ng oto mo dahil bumaba ang makina mo. Nevertheless, meron itong brake set support, na nagpapastable ng brake set at nagbibigay ng resistance to breakage.
Hindi rin ibig sabihin nito na walang potensyal ang X Chassis sa technical race. May mangilan-ngilan akong nakikitang X Chassis ang ginagamit sa technical race, at maganda naman ang pinapakita nitong performance.
XX Chassis
Ang successor naman ng X Chassis, which is ang XX Chassis ay isang formidable na chassis kung titingnan. Ang wing design nito ay mas malaki at mas malapad kung ikukumpara sa mga naunang chassis. Mas matibay din ang bumper nito at pwedeng palaparin pa dahil sa bumper guard na kasama sa mismong kit. Malapad din ang mismong chassis which gives it more stability and lower center of gravity. Meron din itong brake set support, similar sa predecessor nito.
Similar lang din sila ng disadvantage ng X Chassis. Mas pinatibay lang talaga ang XX Chassis lalo na kung ang pag-uusapan ay ang structure nito at performance.
2. Cowls
Importante din na bigyan natin ng importansya ang ating mga cowls. May mga pamantayan din para sa pagpili ng cowls at kung papaano mapapaganda ang performance nito. Nakalista sa ibaba ang ilang pamantayan sa isang magandang cowl.
Aerodynamics
Ito na siguro ang pinakabatayan ng isang cowl kung ito ay pangit o hindi. Naniniwala ang maraming racers na may impact sa kanilang laruan ang magandang aerodynamics ng isang cowl. Ang isang cowl ay masasabing may magandang aerodynamics if wala itong resistance sa airflow, walang masyadong butas at may compact design.
Cowl height
Ang mas mababang height ng cowl ay nakakapagbigay ng lower center of gravity and mas nagbibigay ng better aerodynamics. Dahil din dito kaya nauso ang pagpapalowered ng cowls. Maganda naman talaga ang mga lowered cowls, pero hindi lahat ng cowls ay pwedeng ipalowered. Case to case basis poi to at depende sa gagawa kung kakayanin ilowered ang inyong cowl o hindi. Pinakasikat na manlolowered sa panahon ngayon ay si Sir Ivy.
Conversion
Wala ka na bang mahanap na cowl para sa iyong Super FM Chassis na may magandang aerodynamics? Pwedeng ipaconvert ang ilang cowl na gamit for rear motor chassis to front motor chassis. Case to case basis din ito, at hindi lahat at pwedeng ipaconvert to front motor chassis use. Si Sir Ivy din ay magaling sa pagconvert ng mga cowls.
3. Wheels
Maraming klase ng mga wheels. Nakalista sa ibaba ang mga wheels depending on sa klase ng sukat ng diameter nito.
Small Diameter Wheels
Ang small diameter wheels ay ang pinakapangkaraniwang gulong na madalas kasama sa mga kits. Maganda din ang performance ng small diameter wheels, subalit pag pinatrim mo ito ay masyadong makapal ang goma, which is not good sa technical race format, lalo na kung maraming jumps since mas makapal ang goma, more bounce. Mabigat din ito dahil makapal ang goma kahit ipatrim mo ito dahil may minimum po na sukat ang mga gulong including the tires which is 22.0mm.
Medium Diamater Wheels
Ang medium diameter wheels naman ang the best wheels for all kinds of chassis used in technical race format. Maganda talaga ang performance nito at subok nan g maraming racers. Nakukuha ang medium diameter wheels sa mga Dash Kits at Year Kits. Kapag pinatrim mo ang medium diameter wheel set, manipis ang goma nito, which is excellent lalo na sa technical race format since hindi ito matalbog.
Small Diameter Converted to Meduim Diameter Wheels
Kapag naman wala kang budget bumili ng Dash Kit o Year Kit, pwede mong ipaconvert ang iyong small diameter wheels to medium diameter wheels. Ang kaso lang mahal din magpaconvert at ang end product ng converting small diameter wheels to medium diameter wheels ay mabigat. Nahihirapan ang makina magpaikot ng gulong na mabigat. Kapag masyadong mabilis ang oto mo, isa itong potential na solusyon para magpabagal ng oto.
Large Diameter Wheels
Ang large diameter wheels ay maituturing na supplementary wheels para sa mga front motor chassis. Kapag mabagal ang front motor chassis mo, ikabit mo ang large diameter wheels sa harapan ng oto ay may posibilidad na bumilis ito. Madalas lamang itong ginagamit as a supplementary wheels at hindi permanent wheels for technical race format.
Nakalista naman sa ibaba ang mga wheels depending sa width nito.
Narrow Wheels
Ang narrow wheels at ginagamit bilang pangharap na gulong ng mga oto sa technical race format. Nagbibigay ito ng tamang traction sa track para makaliko ang oto mo with an acceptable speed. Kapag wide wheels kasi ang harapan mo, hirap lumiko ang oto mo at babagal ka sa tracks, lalo na sa likuan.
Wide Wheels
Ang wide wheels ay madalas na ginagamit bilang panlikod na gulong ng mga oto sa technical race format. Nagbibigay ito ng pwersa na magpupush sa oto mo forward. Hindi ka rin mahihirapan umakyat ng hill climb kapag naka wide wheels ka sa likuran.
At ang huling klasipikasyon ng wheels ay depende sa kanilang nature at design. Nakalista sa ibaba kung ano ano ang mga ito.
Dash Wheels
Ang Dash Wheels ay nakukuha lamang sa mga Dash Kits at Year Kits. Trusted na ang performance ng mga wheels na ito. Kailangan ng 60mm regular kit shaft at small diameter tires para makapagpatrim ng Dash Wheels.
Fin Type Wheels
Ang Fin Type Wheels ay isang hop up part na binibili separately sa isang kit. Kadalasang gold ang kulay nito, pero meron din itong rare na white color version. Maganda din ang Fin Type Wheels dahil medium diameter wheels din ito. Kailangan lang ng Fin Type Wheels ng 72mm regular kit shaft at small diameter tires para makapagpatrim ka ng Fin Type Wheels.
Dish Type Wheels
Ang Dish Type Wheels naman ay isa ring hop up part na binibili separately sa isang kit. Meron itong dalawang klase, ang Normal Dish Type Wheels at ang R/C Dish Type Wheels. Mas mahal nga lang ng konti ang R/C Dish at ginagamit ito sa X at XX Chassis habang ang Normal Dish ay gamitin sa iba pang mga chassis. Kulay puti ang mga Dish Type Wheels at medium diameter ito kaya subok na din ang performance sa karera.
4. Wheel Bearing
Marami ding klase ng wheel bearing na ginagamit for our hobby use. Nakalista ang mga ito sa ibaba.
Round Hole Bearing
Ang Round Hole Bearing ay nakapakete na may green na foam. Maganda ang performance nito subalit may konting alog ito.
Hex Hole Bearing
Ang Hex Hole Bearing naman ay may korteng hexagonal sa butas nito, na akma sa hexagonal shape ng shafts. Nakapakete ito kasama ng blue foam at maitim ang loob ng bearing na ito. May konting alog din ito.
Flourine Coated Round Hole Bearing
Ang Flourine Coated Round Hole Bearing ay isang espesyal na round hole bearing kung saan ang buong bearing ay walang bearing, literally. Hawig ito sa bushing, subalit madulas ito dahil sa fluorine coated ito. Maganda din ang performance nito at halos wala itong alog.
2x5 Round Hole Bearing
Ang 2x5 Round Hole Bearing ay isang klase ng bearing na originally made for Remote Controlled Cars. Nilalagyan ito ng sapi or yung plastic na for wheel axle para magamit dahil ito maliit para isalpak agad sa iyong oto.
2x6 Round Hole Bearing
Katulad ng 2x5 Roud Hole Bearing, ang 2x6 Round Hole Bearing ay isang klase ng bearing na originally made din for Remote Controlled Cars. Hindi katulad ng 2x5 Round Hole Bearing na kailangan mo pang sapian, ang 2x6 Round Hole Bearing ay pwedeng gamitin at isalpak agad sa oto. Nilalagay ito sa likuran ng chassis dahil little to none ang alog nito, which makes the brake calibration easier at mas stable ang kapit ng brakes mo sa tracks. May kamahalan lang ito, subalit sulit ang performance na maibibigay nito sa iyong oto.
5. Gear Set
Maraming gear set ang pwedeng pagpilian ng mga racers, subalit dalawa lang ang pinakasubok na gear set for our technical race format. Ang dalawang ito ay ang
5:1 gear ratio (blue + light green combo)
Kung gusto mo ng acceleration type na gear set na hindi masyadong hirap sa hill climb, gamitin mo ang 5.1 gear ratio. Subok na ang gear set na ito at maganda ang performance. Kadalasan itong ipinapares sa Atomic Tuned Motor.
4.2:1 gear ratio (red + brown combo)
Kung nais mo naman ng speed type na gear na malakas humarurot lalo na habang tumatagal ang karera, go 4.2 gear ratio. Malakas ang gear na ito lalo na sa mga mahahabang straights. Subok na din ang performance nito na pinauso ng Team Malolos na pinauso ni Sir Ivy. Madalas itong kapares ng Torque Tuned Motor.
Marami din gear set na nilabas ng Tamiya, katulad ng 11.2:1 gear ratio (yellow + dark green combo for Type 3 Chassis), 6.4:1 gear ratio (gray + dark green combo for Type 3 Chassis), 5:1 gear ratio (purple + light green combo for Type 3 Chassis), 4:1 gear ratio (black + brown combo), 4:1 gear ratio (black + brown combo for Type 3 Chassis), 3.5:1 gear ratio (light blue + yellow combo), 3.5:1 gear ratio (gray + gray combo for TZ and Super FM Chassis) and 3.5 gear ratio (mustard + mustard combo for Super 1 and Type 5 Chassis), subalit hindi ito masyadong ginagamit para sa technical race format. Meron ilang racers, tulad ni Sir Rion, na gumagamit ng Type Chassis at gumagamit ng corresponding gear ratio for that specific Type Chassis as an experimental set-up.
*End of Part 1*